Friday, November 13, 2015

Isang Dambanang Nalimutan at ang aking Debosyon sa Kaibigang Mahal ni Hesus




Sa gitna ng isang umuunlad na Siyudad, na punong puno ng maiingay na sasakyan... punong punong puno ng Ingay ng modernisasyon at lumolobong populasyon at dumaraming taong naninirahan sa Lungsod ng Maynila ay masasabi din natin na sa kabila ng Material na pangangailangan ng mamamayan ay hindi natin makakaila na nangangailangan din ng pangangailangan Ispirituwal ang bawat isa.

Kaya't hindi natin makakaila na noong Panahon ng Pananakop ng mga Kastila at hanggang ngayon ay nabubuo ang mga Parokya o ang isang Pamayanan na kinasasakupan ng Pamamahala ng isang Simbahan sa isang komunidad upang tumugon sa pangangailangan espirituwal ng pamayanan. 

Dahil din sa mga Simbahan, nabubuo ang mga Distrito at komunidad. Kagaya ng Parokya ng San Juan Bautista sa Quiapo na siyang tahanan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno, Parokya ng Santa Cruz sa Santa Cruz, Maynila, San Agustin sa Intramuros, Mahal na Birhen ng Loreto sa Sampaloc, Santo Niño sa Tondo at Pandacan at San Antonio de Padua sa Singalong.

Pero di natin aakalain na bagamat sa isang komunidad ay nangangailangan din ng Atensyong Espirituwal din ang mga Pasilidad ng mga Pagamutan. May isang Simbahan na hindi gaanong kilala sa ilan pero masasabi natin na punong puno ito ng halaga sa kasaysayan ng ating Bansa lalo na sa Kasaysayang pangkalusugan, matatagpuan ito sa Likod ng Kagawaran ng Kalusugan sa Santa Cruz, Maynila. Ito ay ang Dambana ni San Lazaro.

Dambana ni San Lazaro, DOH Compound Santa Cruz, Manila

Isa itong Simbahan na nakatalaga sa isang abang lingkod at Pinakamamahal na Kaibigan ni Hesus na si SAN LAZARO, Kapatid ni Santa Marta at Santa Maria ng Betania. 

Pinatayo ito sa pangunguna ng Orden ng Frailes Minores o mga Pransiskanong Prayle na si Padre Felix Huerta, OFM pati na rin ng Ospital ni San Lazaro na siyang unang Ospital sa buong Bansa noong panahon ng Pananakop ng mga Kastila.


Ang Mayaman at si Lazaro
Ito ay naging sentro ng pagamutan ng mga Ketongin, Sa katotohanan ang unang Pinpintakasi ng Kapilyang ito ay ang LAZARO NG PARABULA, (Lucas 16: 19-31) natatandaang ito ay ang Lazaro na nasasabi sa Talinhaga ng Panginoon na isang lalaki na pinagalanan niyang LAZARO puro sugat sa katawan, dinidilaan ng mga aso ang kanyang sugat at nakatira sa ilalim ng hapag ng isang mayamang publikano at kinakain lamang ang mga mumong nahuhulog sa sahig samantala ang mayaman ay nagpapakasarap sa mga pagkain dahil sa karangyaang kanyan nakakamtan. 


Ngunit dumating ang Araw na namatay si Lazaro at ang mayaman. Ang mayaman ay napunta sa paghihirap sa Hades samantalang si Lazaro ay napunta sa kaluwalhatian ng Diyos kasama si Abraham. Sumigaw ang publikanong mayaman kay Abraham, "Amang Abraham, kahabagan mo ako. Suguin mo si Lazaro upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig. Ito ay upang mapalamig ang aking dila sapagkat ako ay lubhang nagdurusa sa lagablab ng apoy na ito" ngunit sinabi sa kanya ni Abraham: "Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo tinanggap mo nang lubos ang mabubuting bagay. Gayundin naman, si Lazaro ay tumanggap ng mga masasamang bagay. Sa ngayon siya ay inaaliw at ikaw ay lubhang nagdurusa. Bukod sa lahat ng mga bagay na ito, sa pagitan namin at sa iyo ay mayroong malaking bangin. Dahil dito, sila na maghahangad na tumawid mula rito patungo sa iyo ay hindi makakatawid. Maging sila na maghahangad tumawid mula riyan patungo sa amin ay hindi makatatawid."  Sinabi niya: Kung gayon, hinihiling ko sa iyo ama, na suguin mo si Lazaro sa bahay ng aking ama.  Ito ay sapagkat ako ay may limang kapatid na lalaki. Suguin mo siya upang magbabala sa kanila nang sa gayon ay huwag silang mapunta sa dakong ito ng pagdurusaSinabi ni Abraham sa kaniya: Ang isinulat ni Moises at ng mga propeta ay nasa kanila. Hayaan mong sila ay makinig sa kanila. Sinabi niya: Hindi, amang Abraham, sila ay magsisisi kapag pupunta sa kanila ang isang nagmula sa mga patay. Sinabi ni Abraham sa kaniya: Kung hindi nila pakikinggan si Moises at ang mga propeta, hindi sila mahihikayat kahit na may isang pang bumangon mula sa mga patay.


"Si Lazaro ng Parabula," San Lazaro Shrine Patio


Bagamat, mabunga ang istorya ng Talinhaga, hindi natin masasabi na ANG LAZARO NA NASA TALINHAGA AY KAILANMAN HINDI NAGIGING TOTOO, HINDI SIYA SANTO. Bagkus ginawa lamang ito upang mapahalagahan natin ang  Pagbibigay sa kapwa tao. Kaya noong Panahon ng panunungkulan ni Reb. Padre Roberto Titco bilang Chaplain ng Simbahang ito ay naitama ang Pinipintuhong Patron ng Ospital mula sa LAZARONG KATHANG ISIP sa SAN LAZARO NA MINAMAHAL NA KAIBIGAN NI HESUS.


Retablo, Dambana ni San Lazaro

Bagamat ang naharap din ang Dambanang ito sa matitinding pagsubok tulad ng Lindol at Sunog, hindi pa rin maikakaila na ang bawat pader nito at ang paligid ay masasabi ko na para tila may kuwentong sasabihin sa iyo dahil sa kasaysayan nitong punong puno.


Side Portal ng Dambana

Sa Tuwing Pista ni San Lazaro (Tuwing Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Domingo de Lazaro) Isinasagawa ang Prusisyon sa kanyang karangalan tuwing Gabi sa tuwing babalik ito sa San Lazaro Compound agad dadalhin sa TB Ward ang Kanyang Imahen upang makapagpunas ng mga panyo ang mga Maysakit at upang humingi ng Grasya ng Diyos sa tulong ng Panalangin ni San Lazaro. Nakakaantig ang Eksenang ito dahil binibigyan ka ng Aral na sa kabila ng pagsubok at paghihirap nariyan lamang ang Diyos at si San Lazaro, HINDING HINDI KA NILA PABABAYAAN kung ano man ang kalagayan mo sa iyong buhay.


Karosa ni San Lazaro habang nilalapitan ng mga Maysakit na Tubercolosis


Bagamat ang ito ay isang Kapilya lamang sa loob ng Ospital, sinisikap rin ng Kapilayang ito ang Titulo ng pagiging "Pang-Arkidiyosesanong Dambana ng mga Maysakit at mga Dukha" at ayon na rin sa Simbahan na ito lamang ang SIMBAHANG NAKATALAGA KAY SAN LAZARO SA BUONG PILIPINAS.

Isang pribilehiyo sa akin na makapunta dito noong unang una kong apak noong Fiesta ni San Lazaro noong nakaraang taon. 
Unang Pagdalaw sa Kanyang Dambana


Hanggang naging tapat na deboto na rin ako ni San Lazaro dahil sa isang Himalang ginawa niya sa akin. UNA, ay mahuhuli na sana ako sa pagdarausang Lenten Exhibit namin sa Parañaque. Nauubos na ang aking Oras ay naiipit pa rin ako sa Traffic, noong mga oras na iyon ay dala dala ko ang Novena sa kanyang karangalan naisipan ko bigla na dasalin iyon at habang dinarasal ko iyon ay ang hiling ko kay San Lazaro ay sana huwag akong mahuli sa Opening ng Exhibit namin. Kaya't laking gulat ko ay habang dinarasal ko ang Nobena ay biglang umaandar ang sinasakyan kong Jeep hanggang sa magtuloy tuloy ito hanggang sa makarating ako ng Parañaque. Noong nakarating ako ay sabay din na natapos ang Nobena ko kay San Lazaro kaya dagli akong pumunta sa Imahen ni San Lazaro upang makapagpasalamat sa kanya
Lenten Exhibit, MIP Levitown Parañaque. Isang Actual na larawan habang ako ay nagpapasalamat kay San Lazaro (Photo Courtesy of Noah Y. Acha) 

Ang isang himala na hinding hindi ko malilimutan ay ang Paggaling ko mula sa aking sakit na "Bell's Palsy" na kung saan ay naparalisa ang aking kaliwang mukha. Sabi sa akin ng Doktor ay posibleng maging permanente ito kung saka sakaling hindi maagapan. Naalala ko ang Langis ni San Lazaro na binigay sa amin ng Dambana. Ginawa ko ay agad ko itong ipinahid sa akin mukha at sabay na nananalangin kay San Lazaro na sana ay pagalingin ako sa aking Sakit at lumipas ang ilang araw ay nagulat ako na naigagalaw ko na ang aking Kaliwang Mukha. Bigla kong naalala si San Lazaro at sabay na nagpasalamat sa kanya. 

Maraming hindi nakakakilala sa kanyang Dambana sa DOH Compound. Kung ako sa inyo, magmadali na kayo at pumunta sa Kanyang Dambana.
Halina, Kaibigan! Inaantay ka ni San Lazaro


San Lazaro, Altar Image

MEMORARE KAY SAN LAZARO
Original Image of San Lazaro, kept in the Chapel's Sacristy

O San Lazaro, minamahal na kaibigan ni Hesus, alalahanin mo ang malaking pag-ibig ko sa iyo ng Panginoon. Palagi Siya sa tahanan ninyo ng iyong mga kapatid na sina Marta at Maria at binasbasan Niya ang inyong pamilya ng Kanyang mapagpalang pananatili. Nanangis Siya sa iyong pagkamatay subalit ginawa Niya ang iyong kamatayan na isang kamangha-manghang pagpapahayag na Siya ang ating buhay at mag-muling pagkabuhay. Ibinangon ka Niya mula sa libingan ay pinalaya ka mula sa kamatayan upang bigyang kaluwalhatian ang Diyos Ama.

Ngayon sa kawalang hangganan, nabubuhay kang kasama ni Hesus, ang iyong minamahal na Kaibigan at ating Panginoon. Nakikiusap kami sa iyo na alalahanin mo kami sa banal na harapan ni Hesus at dalhin sa Kanya ang mga alalahanin naming ipinagkakatiwala sa iyong makapangyarihang pagdalangin.

Kung ang aming hinihiling ay hindi makapagbibigay ng malaon pang kaluwalhatian sa Diyos o hindi makabubuti sa aming mga kaluluwa, mangyaring tulungan mo kaming manalangin nang nararapat.

Nagtitiwala kami sa iyong malakapatid na ugnayan sa amin at kay Hesus at nakatitiyak kaming hindi mo kami babalewalain. Nang may pananampalataya kay Hesus, ang ating buhay at magmuling pagkabuhay, pinanabikan namin ang araw kung kailan, kasama ka, O San Lazaro, minamahal naming kaibigan at aba naming pintakasi , harap-harapan naming sasambahin at pasasalamatan ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan.



More of the Shrine's History



Thursday, November 12, 2015

PARA SA ISANG #KALAKBAYDASAL

Siguro naman , pwede ko namang gawan ng isang Post sa aking Blogsite ang aking isang #KaLAKBAYDASAL.... :-) Hahahaha... Kasi ngayon ay November 13, Araw kasi ito ng kanyang Kaarawan. Well, gusto ko sanang magkwento paano kami nagkakilala at paano yumabong ang aming pagkakaibiganan.

Well, it all started when Angelo Mangahas, (Na siyang ginagawan ko ngayon ng post.) Added me in Facebook last August 2013. A local from the City of Malabon, I've accepted him dahil parehas kami ng interes like gala, pagsasanto, parehas kaming Lingkod sa Simbahan.

Angelo Mangahas (Siya ito xD)

Noong una, madalas lang ako mag-like sa kanyang mga Pictures dahil isa siyang magaling na photographer. Noong una siguro nagkita na kami pero hindi ko matandaan dahil sa mga taong nakasalimuha ko na... Well hindi na mababago yun when it comes sa Santo World, Ni Hi ni Ho wala kasi nagkakahiyaan. 


Adoration Chapel, Chapel of the Eucharistic Lord at SM Megamall
Pero noong 2013 din, September 28. Feast ni San Lorenzo Ruiz, ang school namin ay nagkaroon ng Film Showing sa SM Megamall. Well pagkatapos ng Film Showing namin ang una kong pinupuntahan agad ay ang Chapel of the Eucharistic Lord   dahil lagi ako dun nagdarasal sa tuwing ako ay nagagawi ng SM Megamall. Syempre pumasok naman ako dahil syempre Chapel yun ehhh... kailangan ko makapgsimba dahil Feast ni San Lorenzo, nagulat ako dahil tapos na pala yung Misa sa Chapel kaya ginawa ko ay pumunta na lamang Adoration Chapel para makapgmuni muni at makapagdasal ng taimtim. Pagkatapos na ako'y magdasal, syempre hahaha... tumtingin tingin ako sa mga poon sa Chapel then naging interesado ako doon sa Last Judgement na gawa sa Puzzle. Habang tumitingin ako doon sa Puzzle Pieces ay bigla ko naisipan na magpamisa kaya dapat pupunta ako ng Counter para makapagpamisa eh bigla kong naalala na hindi sapat ang Pera ko parea makapagpamisa at kailangan ko na rin Kumain noon. Kaya no choice naman ang lolo niyo, kailangan mag-fly para makapaglafangchi xD. well so ayun habang palabas ako ay nasilip ko ang opisina at napansin ko ang isang lalakeng payat na maputi, nakasalamin at naka-jacket na grey na nagta-type ng kung ano man sa Desktop, napaisip ako nung ako ay lumabas ng Chapel ay parang feeling ko ay kilala ko yung taong iyon.

Pero deadma na lang hahahaha... inisip ko na lang na kung sino man yung lalaking iyon na nakita ko sa Chapel of the Eucharistic Lord ay sana makilala ko siya ng lubos hanggang sa nakita ko ito Last Year sa Facebook wall niya...






CEL Chapel Staff (Photo Courtesy of Angelo Mangahas)

Tama nga ang hinala ng Lolo niyo xD HAHAHAHA... Siya yung lalake na nakita ko sa SM Megamall hahaha.., Natawa na lang ako sa sarili ko pero sinabi ko na lang sa sarili ko na balang araw magkakausap kami nito.  

Hindi naging madali iyon, dahil nalaman ko noong Una ay naging panig pala siya ng isa sa kaaway ko na sumira sa akin. Pero Hindi ako at hindi kami nawalan ng pag-asa na baka sakali ay madala siya sa pagkampi doon sa Kaaway namin. 

Isang araw, last year. Nagulat ako na bigla niya akong minessage sa Facebook sa Paglike ng isang picture, pero alam ko na may alam siya kaya noong Minessage niya ako ay inokray ko lang siya. 

Pero habang tumagal ng tumagal hanggang sa Dumating ang Buwan ng Pebrero, taong 2015 ay nagulat ako na bigla niya ulit akong Minessage sa Facebook na may kailangan siya sa ganitong bagay, ako naman ay hindi nagtitiwala agad kaya bago ako magbigay ng Reply ay binusisi ko muna ang Wall niya hanggang sa tinignan ko ang Friendlist niya, nagulat ako na wala na sa Friendlist yung kaaway ko sa Account niya kaya sinimulan ko na siyang replyan.

Hanggang sa tinanong ko siya about dun sa kaaway ko, nagulat ako na pinagdaanan din pala niya ang mga pinagdaanan ko sa kaaway ko na iyon hanggang sa gumaan ulit ang loob ko sa kanya. :-) Noong una, gusto niya pumunta sa aming Parokya sa Singalong pero laging nauunsiyami, Siguro HINDI IYON ANG TAMANG PANAHON PARA MAGKITA KAMI hahahaha.... Pero talagang mabait ang Diyos at pinatutunayan ko iyon. Mayo 12, Taong 2015. Kapistahan ng Mahal na Ina ng Walang Mag-Ampon sa Santa Ana, Maynila. Unang beses kaming nagkita (SA WAKAS!!!) Unang handshake at unang pag-uusapan. Kaya't binigyan ko siya ng mga kung ano man ang Maibigay ko
Mahal na Ina ng Walang Mag-Ampon ng Santa Ana, Maynila




Kaya't simula noon ay madalas na kaming magkausap sa Facebook, nakikipagchikahan tungkol sa mga napagdaanan sa Buhay at sa mga interes sa buhay. Iniisip ko nga sa sarili ko, "Sana nakapagselfie man lang ako kasama siya xD kaso wala akong Cellphone." Di ko aakalain nadin noong Mayo 19, 2015 ay makikita ko ulit siya sa Fiesta ng Nuestra Señora de Guia. Syempre chikahan habang nasa Prusisyon dahil gusto namaing malubos ang pagkakataon na magkasama kami... at pagkatapos ng Prusisyon ay kami ay kumain sa isang malapit na Convenience Store at natupad nga yung hiling ko na sana may selfie kami...

Unang Selfie... kasama ang mga Kaibigan.

Siguro, niloob na rin ng Diyos upang magkakilala kami dahil  na rin sa mga pinagdaanan namin di lang dun sa kaaway namin kundi na rin sa mga personal na pamumuhay. Lubos na rin ako nagpapasalamat sa Mahal na Ina na siguro pinagbuklod kami upang maging isang magkaibigan na nag-uunawaan at nagdadamayan.

At ang hiling ni Gelo na makapunta sa Parokya ay hindi nga binigo ng Diyos. Noong Fiesta ay andun siya at pati na rin ang mga Kaibigan ko. Masasabi ko na kahit sa kabila ng Pagod na naranasan ko sa pag-aasikaso sa mg kailangan ng Patron ay nairaos din dahil nagpunta nga mga matatalik kong Kaibigan upang ipagdiwang ang Kapistahan ng aming Patron na si San Antonio de Padua
Groupie kasama ang Mahal na Patrong si San Antonio de Padua (Photo Courtesy of Angelo Mangahas)

Noong First Time kong makapunta sa kanilang Parokya ng San Pedro at San Juan sa Potrero, Malabon ay hindi ko akalain na ganun na lang kamahal ng mga Parokyano doon si Angelo at kung paano nalampasan ni Angelo lahat ng mga pagsubok na dinananas niya doon. Well lahat naman ng Simbahan ganoon, palagi hindi nawawalan ng mga Issue pero when I hear stories about them, I feel na para silang isang pamilya na hindi nag-iiwanan kahit na sa kabila ng mga problema. Nagiging matibay sila sa kanilang paglilingkod  sa Diyos


Kasama ang ilang mga Tagapaglingkod ng Parokya nina San Pedro at San Juan at mga ilang kaibigam.
(Photo Courtesy of John Carlo Bautista)
Di ko rin akalain na dahil sa kanya ay makakapunta ako sa mga Simbahan hindi ko naman inaasam na mapuntahan. Pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil siya ang naging daan para mapuntahan ko ang mga Lugar na iyon.  Kagaya nang...
Pambansang Dambana ni Santa Ana sa Hagunoy, Bulacan
Pagdalaw ni Indung Virgen de los Remedios sa Holy Rosary Parish sa Angeles

Dambana ni Apung Iru sa Apalit, Pampanga


Kaya't isa ring lubos pinasasalamat ko rin sa iyo dahil binigyan mo ako ng isang hinding hindi ko makakalimutang Regalo sa Tanang buhay ko ang makita at mahawakan si Indu. Salamat at ikaw ang naging daan.


Siyempre, sa pagkakaibiganan. Hinding hindi mawawala ang mga hindi pagkakaunawaan. Kaya nalulungkot ako minsan nagkakaroon tayo ng Tampuhan sa mga kaibigan at minsan pa nga tayo ehh... Pero hinahayaan ng Diyos na magkasundo tayong lahat dahil tayo din naman ang magdadamayan sa huli.


Mas nakaantig sa akin ay noong Last Friday, November 06. Nung ako ay naholdap sa Paco, Tinangay ang aking Cellphone pati yung pera na bigay lang sa akin sa Tondo. Si Angelo ang unang una kong pinag-alaman ng problema ko. Hanggang sa dumating ang Hapon, dumalaw sina Angelo, Kuya JP, Marga, Earl at Kiray para damayan ako. Di ko akalain na dahil kina Angelo ay maibabalik din ang Perang nawala sa akin. Lubos akong naantig dahil naramdaman ko kung paano nila pahalagahan ang isang kaibigan na tulad ko at tulad nila na hinding hindi iiwanan ang isa't isa.

Kaya'y ngayong Kaarawan ni Angelo, nais ko sana siyang batiin ng isang MALIGAYANG KAARAWAN. Gusto kong magpasalamat sa kanya ng sobra sobra dahil naging KAIBIGAN siyang tunay sa akin lalo na sa iba, Naging isang KAPATID siya na handang umunawa at handa kang yakapin sa lahat ng mga problema. At higit sa lahat ay naging isang ABANG LINGKOD NG DIYOS dahil idinadalangin niya at itinataas sa Diyos ang kung ano man ang kanyang problema sa buhay...

HAPPY BIRTHDAY ANGELO!!!!


"There is nothing on this earth more to be prized than true friendship "
-Saint Thomas Aquinas


Sunday, November 8, 2015

Feast of Saint Martin de Porres at Pasaje Galvan Street.



Every November 03, The Church celebrates the Memorial of Saint Martin de Porres, O.P., a Lay Dominican Brother who served the Lord in a simple manner in Lima , Peru. Frequently called as the Saint of the Broom. A Negro Saint since his mother was an African slave and his father was a Spanish noble man. At the age of 15, he entered the Dominican Order where He served the Lord entirely until His death.  He was canonized by Saint John XXIII at 1962 because of his profound humility and miracles which draws many Catholic to recourse to him.

Here in Malate, Manila, A Chapel was Built into his Honor within the Vicinity of Saint Anthony of Padua Parish in Singalong, Manila in 1966.





San Martin de Porres Chapel facade


Many come to this Simple Chapel to recourse to the Negro Saint every Thursdays, the day of the Devotion to San Martin de Porres, Miracles are allegedly reported by some devotees while coming to this Simple Chapel even though the Chapel was privately Administered by the Foundation of San Martin de Porres. A simple group which dedicated themselves to San Martin de Porres.








Inside the Simple Chapel of San Martin de Porres Chapel

The Image of San Martin de Porres inside the Chapel

 Martin had a great desire to go off to some foreign mission and thus earn the palm of martyrdom. However, since this was not possible, he made a martyr out of his body, devoting himself to ceaseless and severe penances. In turn, God endowed him with many graces and wondrous gifts, such as aerial flight and bilocation.

St. Martin’s love was all-embracing, shown equally to humans and to animals, including vermin, and he maintained a cat and dog hospital at his sister’s house. He also possessed spiritual wisdom, demonstrated in his solving his sister’s marriage problems, raising a dowry for his niece inside of three day’s time, and resolving theological problems for the learned of his Order and for bishops. A close friend of St. Rose of Lima, this saintly man died on November 3, 1639 and was canonized on May 6, 1962. His feast day is November 3.

Image of Our Lady of the Rosary, The Dominicans like San Martin founded the Holy Rosary and propagated the Devotion to our Blessed Virgin by praying the Holy Rosary.

The Chapel is frequently visited by the Devotees especially for this Woman named ""Maria Dulce Juco", I think that she is the responsible for building this Chapel in San Martin de Porres, When I was so clse to her, she always tell those devotees to focus on God because God love us so much, God will answer our Prayers through the help of the Prayers of San Martin de Porres.

Mrs. Maria Dulce Juco, with some devotees of San Martin. Some says that she is a "Healer". After the Mass people will fall in line just to be touched by her and to ask her to pray for them.


Mrs. Maria Dulce Juco (Photo Credits to the Owner)



The Chapel is located at this Address, just at the back of the Apostolic Nunciature.
 Different people from walks of life come here, I was surprised because same devotees came here from Sampaloc, Manila, Cubao, Valenzuela, Quezon City even some came from provinces like Bulacan and from abroad. 

This Chapel some call it also as a "Shrine of Healing and Miracles" draws many people to come here to be close to God, to be more close to the Lord Jesus through the Help of Saint Martin de Porres, O.P. 

Prayer to Saint Martin de Porres

To you Saint Martin de Porres we prayerfully lift up our hearts filled with serene confidence and devotion. Mindful of your unbounded and helpful charity to all levels of society and also of your meekness and humility of heart, we offer our petitions to you. Pour out upon our families the precious gifts of your solicitous and generous intercession; show to the people of every race and every color the paths of unity and of justice; implore from our Father in heaven the coming of his kingdom, so that through mu tual benevolence in God men may increase the fruits of grace and merit the rewards of eternal life. Amen.