Well, it all started when Angelo Mangahas, (Na siyang ginagawan ko ngayon ng post.) Added me in Facebook last August 2013. A local from the City of Malabon, I've accepted him dahil parehas kami ng interes like gala, pagsasanto, parehas kaming Lingkod sa Simbahan.
![]() |
Angelo Mangahas (Siya ito xD) |
Noong una, madalas lang ako mag-like sa kanyang mga Pictures dahil isa siyang magaling na photographer. Noong una siguro nagkita na kami pero hindi ko matandaan dahil sa mga taong nakasalimuha ko na... Well hindi na mababago yun when it comes sa Santo World, Ni Hi ni Ho wala kasi nagkakahiyaan.
![]() |
Adoration Chapel, Chapel of the Eucharistic Lord at SM Megamall |
Pero deadma na lang hahahaha... inisip ko na lang na kung sino man yung lalaking iyon na nakita ko sa Chapel of the Eucharistic Lord ay sana makilala ko siya ng lubos hanggang sa nakita ko ito Last Year sa Facebook wall niya...
![]() |
CEL Chapel Staff (Photo Courtesy of Angelo Mangahas) |
Hindi naging madali iyon, dahil nalaman ko noong Una ay naging panig pala siya ng isa sa kaaway ko na sumira sa akin. Pero Hindi ako at hindi kami nawalan ng pag-asa na baka sakali ay madala siya sa pagkampi doon sa Kaaway namin.
Isang araw, last year. Nagulat ako na bigla niya akong minessage sa Facebook sa Paglike ng isang picture, pero alam ko na may alam siya kaya noong Minessage niya ako ay inokray ko lang siya.
Pero habang tumagal ng tumagal hanggang sa Dumating ang Buwan ng Pebrero, taong 2015 ay nagulat ako na bigla niya ulit akong Minessage sa Facebook na may kailangan siya sa ganitong bagay, ako naman ay hindi nagtitiwala agad kaya bago ako magbigay ng Reply ay binusisi ko muna ang Wall niya hanggang sa tinignan ko ang Friendlist niya, nagulat ako na wala na sa Friendlist yung kaaway ko sa Account niya kaya sinimulan ko na siyang replyan.
Hanggang sa tinanong ko siya about dun sa kaaway ko, nagulat ako na pinagdaanan din pala niya ang mga pinagdaanan ko sa kaaway ko na iyon hanggang sa gumaan ulit ang loob ko sa kanya. :-) Noong una, gusto niya pumunta sa aming Parokya sa Singalong pero laging nauunsiyami, Siguro HINDI IYON ANG TAMANG PANAHON PARA MAGKITA KAMI hahahaha.... Pero talagang mabait ang Diyos at pinatutunayan ko iyon. Mayo 12, Taong 2015. Kapistahan ng Mahal na Ina ng Walang Mag-Ampon sa Santa Ana, Maynila. Unang beses kaming nagkita (SA WAKAS!!!) Unang handshake at unang pag-uusapan. Kaya't binigyan ko siya ng mga kung ano man ang Maibigay ko
![]() |
Mahal na Ina ng Walang Mag-Ampon ng Santa Ana, Maynila |
Kaya't simula noon ay madalas na kaming magkausap sa Facebook, nakikipagchikahan tungkol sa mga napagdaanan sa Buhay at sa mga interes sa buhay. Iniisip ko nga sa sarili ko, "Sana nakapagselfie man lang ako kasama siya xD kaso wala akong Cellphone." Di ko aakalain nadin noong Mayo 19, 2015 ay makikita ko ulit siya sa Fiesta ng Nuestra SeƱora de Guia. Syempre chikahan habang nasa Prusisyon dahil gusto namaing malubos ang pagkakataon na magkasama kami... at pagkatapos ng Prusisyon ay kami ay kumain sa isang malapit na Convenience Store at natupad nga yung hiling ko na sana may selfie kami...
![]() |
Unang Selfie... kasama ang mga Kaibigan. |
Siguro, niloob na rin ng Diyos upang magkakilala kami dahil na rin sa mga pinagdaanan namin di lang dun sa kaaway namin kundi na rin sa mga personal na pamumuhay. Lubos na rin ako nagpapasalamat sa Mahal na Ina na siguro pinagbuklod kami upang maging isang magkaibigan na nag-uunawaan at nagdadamayan.
At ang hiling ni Gelo na makapunta sa Parokya ay hindi nga binigo ng Diyos. Noong Fiesta ay andun siya at pati na rin ang mga Kaibigan ko. Masasabi ko na kahit sa kabila ng Pagod na naranasan ko sa pag-aasikaso sa mg kailangan ng Patron ay nairaos din dahil nagpunta nga mga matatalik kong Kaibigan upang ipagdiwang ang Kapistahan ng aming Patron na si San Antonio de Padua
![]() |
Groupie kasama ang Mahal na Patrong si San Antonio de Padua (Photo Courtesy of Angelo Mangahas) |
Noong First Time kong makapunta sa kanilang Parokya ng San Pedro at San Juan sa Potrero, Malabon ay hindi ko akalain na ganun na lang kamahal ng mga Parokyano doon si Angelo at kung paano nalampasan ni Angelo lahat ng mga pagsubok na dinananas niya doon. Well lahat naman ng Simbahan ganoon, palagi hindi nawawalan ng mga Issue pero when I hear stories about them, I feel na para silang isang pamilya na hindi nag-iiwanan kahit na sa kabila ng mga problema. Nagiging matibay sila sa kanilang paglilingkod sa Diyos
![]() |
![]() |
Kasama ang ilang mga Tagapaglingkod ng Parokya nina San Pedro at San Juan at mga ilang kaibigam. (Photo Courtesy of John Carlo Bautista) |
![]() |
Pambansang Dambana ni Santa Ana sa Hagunoy, Bulacan |
![]() |
Pagdalaw ni Indung Virgen de los Remedios sa Holy Rosary Parish sa Angeles |
![]() |
Dambana ni Apung Iru sa Apalit, Pampanga |
Kaya't isa ring lubos pinasasalamat ko rin sa iyo dahil binigyan mo ako ng isang hinding hindi ko makakalimutang Regalo sa Tanang buhay ko ang makita at mahawakan si Indu. Salamat at ikaw ang naging daan.
Siyempre, sa pagkakaibiganan. Hinding hindi mawawala ang mga hindi pagkakaunawaan. Kaya nalulungkot ako minsan nagkakaroon tayo ng Tampuhan sa mga kaibigan at minsan pa nga tayo ehh... Pero hinahayaan ng Diyos na magkasundo tayong lahat dahil tayo din naman ang magdadamayan sa huli.
Mas nakaantig sa akin ay noong Last Friday, November 06. Nung ako ay naholdap sa Paco, Tinangay ang aking Cellphone pati yung pera na bigay lang sa akin sa Tondo. Si Angelo ang unang una kong pinag-alaman ng problema ko. Hanggang sa dumating ang Hapon, dumalaw sina Angelo, Kuya JP, Marga, Earl at Kiray para damayan ako. Di ko akalain na dahil kina Angelo ay maibabalik din ang Perang nawala sa akin. Lubos akong naantig dahil naramdaman ko kung paano nila pahalagahan ang isang kaibigan na tulad ko at tulad nila na hinding hindi iiwanan ang isa't isa.
Kaya'y ngayong Kaarawan ni Angelo, nais ko sana siyang batiin ng isang MALIGAYANG KAARAWAN. Gusto kong magpasalamat sa kanya ng sobra sobra dahil naging KAIBIGAN siyang tunay sa akin lalo na sa iba, Naging isang KAPATID siya na handang umunawa at handa kang yakapin sa lahat ng mga problema. At higit sa lahat ay naging isang ABANG LINGKOD NG DIYOS dahil idinadalangin niya at itinataas sa Diyos ang kung ano man ang kanyang problema sa buhay...
HAPPY BIRTHDAY ANGELO!!!!
"There is nothing on this earth more to be prized than true friendship "
-Saint Thomas Aquinas
No comments:
Post a Comment